Sunday, December 25, 2005

tama ba tong paskong to

Maligayang Pasko sa inyo:)

Nasa westgrove ako nakipag-noche buena. at ayos naman, medyo bonding kami ulit magpipinsan. at kakaiba, medyo nakakabadtrip yung priest dahil 2 hours ba naman yung mass. Hindi rin siya mashadong grateful sa mga bagay na pinasalamatan niya. Panay "and lastly".. kelan ka ba matatapos?! Sabihin na nating nag-12 na at nasa loob kami ng kotse, papalabas ng simbahan.

kakaiba ang christmas na to. napansin ko medyo TAHIMIK. As in ngayon, ang tahimik. Parang may sobrang ingay na umalis, bigla ka lang maninibago sa sobrang tahimik. pero ano yon?

Wala yung iba naming mga pinsan nung nasa westgrove kaya hindi rin mashadong maingay tapos sa kabilang side, kakaiba rin, kasi ito yung unang pasko na wala si lolo kaya medyo tahimik din. Si Lola medyo nalulungkot pa din. kaya may plano sana akong matulog sa kanila, hindi ko alam kung kailan, para lang samahan ko siya. Madami kasing inaasikaso mga tao dun.

tas walang nagpapaputok nung nagising na ako, madalas kasi meron. Walang aso na tumatahol. Wala mashadong cars na dumadaan. mas konti na rin yung mga batang nagcacaroling, actually. paulit-ulit na yung mga bata, nakakaswerte nga sila sa amin kasi dalawa o tatlong beses sila sa isang araw kumakatok samin. siguro, wala na rin akong masabi sa sarili ko. nalalabuhan kasi ako sa sarili ko. kaya tatahimik nalang din ako.

kahit papano, ayos naman. salamat sa mga nagparamdam at sa mga taong nagpapangiti sa akin.