Sunday, July 24, 2005

faye's blow-out and becoming dense

FRIDAY:
i decided to cut my physics class.. and have another IC talk with rj sa greenplace. si ate paz (the cashier) nagugulat sa amin...haha , ang aga na naman namin uminom. haha kwento-drama-kwento-drama hangang umalis kami para samahan si hannah ...tas gusto ni rj kumain sa mura pero eventually, bumagsak din kami sa gp.

dun nagmeet na rin mga blockmates para punta G4.... madami-dami din kami: ria, kits, jaane, faye, kristine, dwight, julie rj at ako. humabol sina kresta at bea nung nanuod kami movie. at shempre, forever chick flick pag birthday ni faye....IF ONLY yung movie. tipong laughtrip kaming tatlo ni kitoy at julie. kasi una, late kami ni julie pumasok sa cinema kasi bumili kami ng food tas halos umikot kami sa buong moviehouse para hanapin sila.. aminado pa si kits, "Follow me..." pero nawala din kami. haha tas medyo hiyang hiya kami ni julie kumain ng food kasi yung binili namin... Full meal: tipong rice, viand, drink. bochog! tas tawa kami ng tawa dahil baka mang-amoy yung food ..pero buti nalang hindi. haha

yung mga blockmates ko iyak ng iyak...si kits laging pinapasa yung tissue, pero after a while hihingiin din niya kasi naiiyak siya.. haha kahit yung mga humabol (Bea and Kresta) ...naiyak din.. haha o san ka pa? haha nahihiya pa sina dwight at rj umiyak. ulul..mas madrama pa kayo samin.. at ako...NR... hmmm talaga bang NR ako or ....?

after the movie: punta krokodile...naka-isang bottle lang ako pano ba naman kasi, lumalabas ako para samahan ng una si julie..tas after si rj naman. nagulat kami lahat sa slammers drink ni faye...haha nung una akala si kitoy pa yung may birthday. haha laftrip yung katabi naming table ...ay panay grown-ups ...na ang dami dami nilang food... yuppies and yung mga mukhang dads na din ...tas parang kami...tipid sa pera! haha pero ayos lang din....kasi ako si julie at bea ay nag ilang rounds pa sa absinth...with a secret ingredient para mas malakas ang tama...tas ayon...dramahan ulit

wasak na kami ni julie, buti nalang di kami nasuka sa loob ng kotse. Paulit-ulit kami ni julie.. "Mind over matter. Walk straight. Mind over matter...walk straight..." para di makahalata parents ni julie. ...nung gabi na toh..gusto ko itext mga kabarkda ko..kwento at dramahan k sana sila about .... alam na nila yon...."boy genius" ...ang code. wait, pano nga ba naging ganon ang code?

Nakapunta na naman ako ulit sa band practice ng banda ni julie na wala pang pangalan hanggang ngayon. at astig, big improvement... seryoso na talaga sila..wala na yung sabaw at sabog effect. Nakikijoin nga ako paminsan sa kanila..haha patugtog-tugtog ng bongos o kaya yung drums using the brush/broom sticks. bsta di ko alam yung tawag dun. Ako na unang fan nila.. :) ..lahat sila may sari-sariling composition...at ayos yung mga narinig ko na kantang yon. ...may something in common....hmmm... bitter?! haha yeh!! ipagsama-sama lang nila yon, bibili nako ng EP nila.